-matagal ko nang gustong magkaron ng blog, 'di ko rin alam kung bakit. Ngaun na meron na ko, problema ko nman kung ano isusulat ko....
=>Dapat masaya 'pag graduation day 'di ba? Ako, hindi masyado. Kasi tapos na 'kong mag-aral, wala nang dahilan para humingi ng baon (xempre graduate ka na). Saka nakakatakot harapin 'yung mundo sa labas ng B.S.U. Idagdag pa dun ang realidad na mataas ang expectation sa 'kin. Sa tagal ko nga namang nag-aral, xempre "I should give something back", na un nman tlagang nsa plano ko..., 'di ko lang tlaga alam kung pa'no....
=>October ang ECE Licensure Exam, xempre paghahandaan ko un. Hindi nman ako ganun katapang para magself-review lang. Saka mejo mhina din tlaga ang foundation ko sa ilang subjects sa tinapos kong course. Wala akong sinisisi, pero kasalanan ng instructor. 'Hindi na ko maglalagay ng sama ng loob sa mga instructor ng B.S.U., masyado nang madaming naisulat tungkol dun si Ferdz.
At matuling lumipas ang mga araw. 'yung subject na 1 sem mu kinuha sa college, sa review center 1 meeting lang. 1 meeting = 4 hours. Minsan 2 hours dun kwentuhan. Aral sa review center, pagdating sa apartment aral pa din. 9 kme sa apartment. Silang mga naging inspirasyon at kadamay ko sa mga paghihirap sa review, kahit madalas natutulog lang ung iba....
Sa ilang buwan ng review, hindi naman review lang ang dapat gawin, klngan din humingi ng Divine Intervention. At para pumasa, pakiramdam ko eh napakalaking pabor ng hinihingi ko sa Kanya. Para hindi masyadong halata na may kailangan ako kay Lord eh minsan isang linggo lang muna ang ginawa naming simba (na dati ko din namang ginagawa, kaya hindi halata na may hihilingin ako). Una tuwing Miyerkules, sa Baclaran. Namiss ko 'yung unang misa na pinunthan nila, tinatamad pa kasi ako nun. Nagreview na lang ako sa apartment. Nung mga susunod na Miyerkules, sumama na ko magsimba. Natapos ang siyam na Miyerkules (Nakasiyam sila, ako hindi), lumipat naman kami ng simbahan. Sa St. Jude nman kami mangungulit tuwing Huwebes. Sabi nila, si St. Jude daw ang Patron of Hopeless and Desperate Cases. Napaisip tuloy ako kung hopeless nga ba talaga ako dito sa pinasok ko? Hindi pa kami nagkasiya sa pagsisimba tuwing Huwebes, since malapit na ang board exam, kailangan double time at effort sa pag-aaral, at pagsisimba. Pinunthan din nmin 'yung simbahan sa UST, tuwing Linggo, dun kami nangungulit.
October 25 & 26, 2008
Ang mga araw na pinakahihintay. Sumaky kami ng taxi papunta sa CCP (Central Colleges of the Philippines). Kasama ko nun si Allem, Mak ska si Leomar. May radyo 'yung taxi, ang tugtog: "Himala" ng Rivermaya. Napangiti na lang ako, si Lord tlaga nagbibiro pa eh kinakabahan n nga ako.
Natapos ang dalawang araw na exam. Linggo ng gabi, nagsimba kami sa UST. Pagkatapos ng misa napaisip ako, sapat na ba 'yung ginawa ko para makalusot ako? Sana... Hindi ko napigil, napaiyak ako. Walang dahilan, siguro natkot ako na baka bumagsak ako, halimaw kc ung GEAS n un.
Gabi na, inaasahan ko na ngaun na lalabas 'yung result. Nagpunta ako sa pinakamalapit na computer shop kahit alas-diyes na ng gabi, magulpi na ang magugulpi, basta kailangan makita ko ang result. Sa malas eh puno ng mga naglalaro at nakikipag-chat ung computer shop. Dinala ako ng mga paa ko sa isa pang shop, sa kahabaan pa rin ng P. Campa St. Duon ko hinintay kung ilalabas na ba 'yung result. Pasado alas-dose may nakita akong web page na result ng ECE Board Exam. Sinimulan ko ang pagtingin sa mga pangalan sa letter A. Hindi ko na pinakailaman 'yung mga topnotcher, alam ko nman na wala 'yung pangalan ko dun. May hinahanap akong pangalan, hindi ko makita. Pangalan nng girlfriend ko, Marivie V. Aquino. Nagsimula akong malungkot. May ilang pangalan akong nakita na pamilyar sa akin, kakilala, kaklase. Pero wala 'yung ilan sa mga inaasahan ko na papasa. Nagtxt sa akin si Bing, binati daw siya ng classmate nya kasi nakita sa internet na pasado siya. Hindi ko naman alam ang gagawin ko sa ilang kadahilanan:
- wala akong load, pano ako magttxt?
- pa'no ko sasabihin sa kanya na wala sa result 'yung pangalan niya at list lang ng examinees 'yung nakita ng classmate niya?
Salamat sa kapangyarihan ng Chikka Messenger naitawid ko ang pangangailangan. Nasabi ko din sa kanya ang balita, kahit nahirapan ako. Nasabi ko na din sa ibang classmate ko na may resulta na. ;Yung iba nga ayaw pang maniwala, tumawag pa sa iba nung itxt ko siya, ayaw pa sa 'kin (Oo Dayrit ikaw 'yon).
Hanggang sa namalayan ko na lang na pinapalayas na ako ng bantay ng shop, magsasara na daw siya. Kaya wala akong nagawa kundi umalis. Habang naglalakad pauwi sa apartment, gusto ko sanang tumalon at sumigaw, kaso baka magulpi ako. Saka ‘di ko magawang magsaya ng lubos. Half-hearted ‘yung kasiyahan ko kumbaga. Hindi talaga Masaya ‘pag nag-iisa ka.
Madami akong pinangakuan na sasabihin ko sa kanila na may result na pero hindi ko ngawa, akala ko madali lang magbreak ng bad news, hindi pala... Swerte ako kung tutuusin, lumusot ako, pinalad na pumasa. 'Yon pala ang dahilan kaya apat na misa ang pinunthan ko bago mag-exam. isang misa para sa isang subject.
=> Apat na buwan matapos ang Board Exam, nasa'n na ako?
Ang sagot, nasa bayan na aking sinilangan, sa Hagonoy, Bulacan. Tambay.
Bakit?
Hindi ko din alam.
Hindi sa ayaw kong magtrabaho, sino ba ang ayaw kumita ng pera? Hindi ba dahil dito kaya ako nag-aral? Ang problema lang ayaw yata sa akin ng trabaho. Matagal na rin akong ganito. At the very least, as if it was to be taken as a consolation, may lisensya ako.....
there are times sa buhay ko na bakit ko kaylangan pagdaan ang bawat hirap at depression ng buhay.. since magcollege ako, siguro malas pag sa isang buwan hindi ko mkitang umiiyak ang mga mata ko.. sa dami ng pinagdaanan ko palagi ko ng nababangit sa iba "Oo, napagdaanan ko na yan", lahat ng lang ata ng hirap n ikkwento nila sakin palging ganun ung nasasabi ko "oo, napagdaanan ko na yan".. napapaisip tuloi ako, collector ba ako ng pain at depression, hindi nmn siguro, tlga lang siguro na dapat kong pagdaanan mga yun sa isang importante rason..
ReplyDeletehehe, serioso ko ba, di ko kasi papano pero alm mo na siguro yun, kung sa loob ng 6months ng paghingi ng pagpasa sa board, trabaho pa kaya, ang kaylangan mo lng eh manalig at mag-intay, siguro may gusto xang gawin sa yo na hindi mo pa makita, may rason xa bakit kaylangn ka nya ilagay sa kinalalagyan mo ngyon, pero alm ntin na ang lahat may rason, magandang rason.. Kung dati ka ng nagtiwala sa Kanya, ngyon pa kung saan napatunayan na Nya kayang Nyang gawin pagnanalig ka "pagpasa mo sa board"..
Serioso ko tlga, tae, hehehe.. Di ako sanay na ganito senyo, hehehe..
Nice post nga pla, congrats for that.. hehehe.. nainspire ulit me magsulat sa blog kong inaamag.. hehehe.. di kasi ko makatapos, puro introduction.. hehehe..
Nwei, wish you the greatness of life, meron yan, antay k lng.. God will provide, sabi nga.. Have faith gaya nung nagrereview ka pa.. maitatawid mo yan, naniniwala Xa, gaya dati, naniwala Xang ipapasa mo board exam kasi nanalig ka.. hehehe..
AMEN..
Ferdz..
..teka. nalilito ako. kaninung blog ba to? kay Ferdz o sau jep?
ReplyDelete..hmmm, bago ako magtuloy, my gusto lang ako itanung na nakakagulo sa aking isipan. eto:
bakit pag nakikita ka ng nanay mu eh sumasakit ang tiyan nya? hehe..
eh tol, sa kabuuan ng mga sinulat mu, halos lahat ata eh nakakarelate ako. hanggang dun sa last 2 words na sinulat mu. pero ganun ata talaga un pare. (papi).. minsan, kailangan naten munanga huminto, o mahinto sa mga bagay na pinagkaka-abalahan naten sa buhay para makapag-isip kung eto na ba talaga ang buhay na gusto naten o baka my bagay pa pala tau na nalilimutan. sa akin, eh totoo un. pero ganun talaga ang buhay. sabi nga nga mga matatanda, wag ka mainip. at kung naiinip ka na talaga. edi matulog ka! parang joke lang nuh? pero my sense.. okay lang yan tol, di ka nagiisa. madami tau. Lisensyadong tambay din ako. hehe.. ibig sabihin, legal ang pagtambay naten. at wala tayong kasalanan kung bakit tau ganto ngaun. ibig sabihin lang nun, gaya ng pagtulog pag naiinip, eh my ibang bagay pa din taung pedeng gawin habang hinihintay naten kung anu man ang nakahanda talaga para sa atin..
oh sya, mejo mahaba na din to. nagagaya na ata ako kay ferdz. baka mapagkamalan pa ng iba na blog ko to. hehe.. tutulog muna ko..