Pagkatapos pa lang ng Board Exam, nagsimula na agad akong maghanap ng trabaho. Sa internet, nagtatanong-tanong sa mga kakilala, atbp. Ayaw ko kasing magpahinga, 'ika nga eh para tuloy-tuloy na. Lagi kasing bahagi ng pangaral sa 'kin ng nanay ko 'yung pinagdaanan ng kuya ko. Nag-aral siya sa P.M.I., nagtapos na isang Seaman. Marami siyang pangarap para sa aming lahat. Naalala ko pa na minsan nag-usap kami, gusto daw niya na mag-piloto ako. Siguro kung naging matagumpay siya bilang seaman eh baka natuloy 'yon. Pero hindi, iba ang nangyari, siguro hindi para sa kanya 'yon. Needless to say, nabigo ang mga magulang ko. Madalas ngang sabihin sa akin ng nanay ko: "yung kuya mo, hindi pa nasasakay ng barko sumakay sa agad doon sa hipag mo." Kaya heto ako ngayon, nakapagtapos na at lahat, kailangan kong bumawi. Maglive-up sa mga expectation ng mga tao sa paligid ko. Akala kasi ng karamihan dito, maraming pera sa kursong tinapos ko. ngayon pa na mayroong krisis pinansyal sa buong mundo. Nawawala ang lahat ng pera, sino kaya ang kumuha?
Bilang pinakabata sa limang magkakapatid, sagana ako sa pangaral at payo nilang lahat. Minsan nga alam ko na 'yung kasunod ng sasabihin nila. Mga pamangkin ko lang yata ang hindi nangangaral sa 'kin. Pero minsan sabi sa akin ng pamangkin kong babae: "Ninong, tanggapin mo na 'yung alok sa 'yo na ten thousand, para maibili mo na ako ng laptop, 'yung maliit lang!"
Nagsimula ang aking job hunting sa isang kumpanyang nagngangalang People Support. Nag-exam, ininterview at saka pinauwi. Hindi din naman naging masama ang lahat, naging maayos naman 'yung usapan namin nung hr. Ang kaso, hindi na ulit ako tinawagan. Namahalan yata sa presyo ko. Hindi nyo rin naman ako masisisi, unang job interview ko, hindi ko alam ang starting rate ng ECE, higit sa lahat, call center pala 'yung pinapasok ko. Simula nun, nangilag na ko sa mga BPO. Hindi kasi ako mahilig makipag-usap, kahit pa sabihing techical support representative ang magiging trabaho ko, baka mag-away lang kami nung caller.
Pagkatapos ng hindi masyadong magandang karansan sa People Support, patuloy pa rin ang paghanap ko ng trabaho sa internet. Sinubukan ko sa Smart, sakto na may opening para sa cadet engineer. Application was dated November 7, 2008. walang nangyari, hindi man lang napansin 'yung application ko. Sinubukan ko din sa Globe, same result. Naghulog na din ako ng resume sa P.L.D.T., problema nga lang, hindi yata nabunot sa raffle 'yung entry ko. Hirap talagang umasa sa swerte.
Sa tulong ng JobStreet, napansin ng Sun Cellular ang resumé ko. I was invited for an interview. Nakalong-sleeves pa nga ako with matching necktie and slacks para magmukhang marangal. Naging maayos naman, problema nga lang hinahanapan ako ng driver's license. Hindi daw maipprocess 'yung employment ko hangga't wala ako nun. Saka mejo mababa din 'yung alok. Mahirap ang buhay, 'pag nga naalala ko 'yun naiisip ko na dapat pala ginawan ko na ng paraan na makapasok ako dun... Too late.
Isa pang kumpanya ang napuntahan ko. ROHM Lsi. may apat na exam. Maayos naman nung una hanggang dumating ang exam na may kasamang programming. Kahit nga 'yung katabi ko na Computer Engineering ang tinapos na kurso walang sulat 'yung papel eh. Ako pa kaya na walang pakialam don. Dapat sinabi nila na ayaw nilang maghire, hindi ung pinaparamdam nila.
Minsan naman natagpuan ko ang sarili ko na palaboy-laboy sa may Ayala Avenue. Nagpunta ako sa isang kumpanya na nag-eexport ng glass products. Immediate hiring daw kasi ng GPS operator kaya sinubukan ko. Matagal akong naghintay, halos natapos na lahat ng aplikante bago ako nainterview. naawa lang sa akin 'yung HR kaya tinawag na niya ung mag-iinterview sa kin. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. matapos ang tatlong oras ng paghihintay, 4 na tanong lang ang ibinanat sa akin. Pagkatapos sinabi na maghintay daw ako ng tawag. "What da hill?!!!" Later nalaman ko na over-qualified daw ako para sa position. Ows?! Ayun talo nanaman.
Minsan nagkita-kita kami ng mga dati kong classmate na wala pa ding trabaho. Sila:
- Jelee
- Tricio
- Januth
- Allem
- Romer
May nagsabi kasi sa amin na magwalk-in daw kami sa Smart kasi mas preferred daw doon ung walk-in! Oo, Dayrit, ikaw na naman 'yon.
Pagdating namin sa building kung nasan ang Smart, hinarang na kami ng guwardiya sibil:
Guardia Civil: "Saan po kayo?"
Januth: "Mag-aaply po sa Smart..."
Guardia Civil: "Ay, hindi po pwede ang walk-in.."
Jelee: "Eh kasi po sabi sa amin nung classmate namin na jan nagttrabaho magwalk-in kami.."
Guardia Civil: "On-line po ang ating application (sa marahang boses). Magpunta po kayo sa www.smart.com.ph tapos doon po kayo mag-apply. 'yung e-mail po na ipadadala sa inyo and dadalhin ninyo dito para kayo makapsok.."
Lahat: "Ay $%#@&&**!!"
Tinuruan pa kaming mag-internet nung guard.
Allem: "Nice one, Dayrit..."
Guardia Civil: "Mga Boss, 'wag po tayo diyan, daan po iyan.."
In other words, pinapalayas na kami, nakaharang nga naman kami sa pinto.
Nadali kami, nayari... Nihintay ko nga lumabas sa pinto si Dayrit at sabihing: "Nayari ko kayo!"
Para hindi masayang 'yung niluwas namin eh itinuring na lang namin na reunion ang muli naming pagsasama-sama. Nagkalat kami ng resumé sa lahat ng kumpanya na pwede. Ayon ginwa nilang scratch paper 'yung mga papel na merong mukha namin. Hindi pa kami nakuntento, nagpunta pa kami sa Globe para magbigay ng resume. At least nakapasok kami ng building. Un nga lang security personnel pa din ang kumuha ng resume namin.. Talo ulit...
Ilang linggo matapos ang aming get-together, nagkita-kita ulit kami para makipagsapalaran Si allem, januth, trisyo at ako. Sa Farmer's ang meeting palce. Puntirya namin ang accenture at iba pang kumpanya. 9am ang usapan. Heavy traffic sa EDSA (palagi nman) kaya understood na may malelate. past 9 nagkita kami ni Allem. Tapos dumating na si Janus. Wala pa si Tricio, kaya nagkwentuhan muna kami. Naubos na lahat ng topic namin wala pa din siya, lapit na maglunch wala pa din. Napunta pala siya ng Makro. naglakad pabalik at nagpaikot-ikot doon sa Gateway Mall.
Matapos mag-lunch, nagpunta na kami sa Recruitment Center na Accenture., Naghintay, nag-exam. Tapos uwian na. Hintay ulit ng tawag. Masyado na hapon para may mapuntahan pang ibang kumpanya kaya uwian na lang.
Pagkatapos ng lahat, si Allem may trabaho na ngayon. At kasalukuyan siyang nagttour-de-Pilipinas. Si Tricio at Januth naghihintay ng tawag ng Accenture para masimulan ang training nila na mejo nadelay ng kaunti. Si jelee, may hinihintay din na trabaho. Si Romer, wag na un, wala akong balita sa baklita na 'yon.
Ako? Andito pa din, naghihintay na may tumawag sa akin. Kaso ang madalas tumawag eh People Support. Excited pa naman akong sagutin lalo na kapag nakikita ko na land line 'ung number tapos un lang pala. Ipinagbibili ko na ang kalayaan ko, kapalit ang buwanang sweldo. Handa akong maging bahagi ng isang kumpanya, matali sa isang routine. Isusuko ko na ang kalayaang matulog at gumising ng kahit anong oras na gustuhin ko.
Ang nakakalungkot lang......., wala yatang gustong bumili ng kalayaan ko...
nauunawaan ko much itong post mo XD jobless ece rin ako ngayon eh #___# hay buhay bum~ sana may bumili na rin ng kalayaan ko @__@ siguro may trabaho ka na ngayon no? any tips on how to survive this phase?
ReplyDelete