Friday, March 6, 2009

*sigh*

Friday na naman.. Napakabilis talaga ng araw. Parang sipon lang. Bakit nga ba sipon? Wala lang, wala ako maisip eh. Last wednesday nagpunta ko sa job fair sa Trinoma, as expected puro BPO / Call Center ang andun. Sayang lang pamasahe ko. Madami na din akong nagagasta sa pagluwas-luwas. 'Di bale sana kung pagpunta ko dun eh sure na magkakatrabaho na ako o kahit man lang ientertain ako ng HR at bigyan ng pansin. Kadalasan kasi nagpapasa lang ako ng resume saka sinasabihan na tatawagan na lang. Madalas kong madinig 'yon : "Tatawagan ka na la'ng namin.." At sa tuwing sasabihin sa akin 'yon, tina-translate ko na agad sa sarili ko: "'Wag ka nang umasa, humanap ka ng ibang pag-aaplyan mo..."
Pessimistic optimist. Yan na nga yata ako ngayon. May bahid na ng pessimism 'yung optimism ko. Dati palaging positive ang outlook ko sa buhay, I always look at the brighter side of things. Ngayon mahina na loob ko, though merong ilang bagay na nagpapalakas pa rin sa akin. Sabi nga ng iba samantalahin ko 'tong time na to para makapagpahinga at hanapin ang sarili ko, although hindi naman talaga ako nawawala. 
Pagod na 'kong magpahinga. Pabigat na ko dito sa bahay.. Hay buhay... *sigh* 

No comments:

Post a Comment

Powered By Blogger