Friday, March 6, 2009

*sigh*

Friday na naman.. Napakabilis talaga ng araw. Parang sipon lang. Bakit nga ba sipon? Wala lang, wala ako maisip eh. Last wednesday nagpunta ko sa job fair sa Trinoma, as expected puro BPO / Call Center ang andun. Sayang lang pamasahe ko. Madami na din akong nagagasta sa pagluwas-luwas. 'Di bale sana kung pagpunta ko dun eh sure na magkakatrabaho na ako o kahit man lang ientertain ako ng HR at bigyan ng pansin. Kadalasan kasi nagpapasa lang ako ng resume saka sinasabihan na tatawagan na lang. Madalas kong madinig 'yon : "Tatawagan ka na la'ng namin.." At sa tuwing sasabihin sa akin 'yon, tina-translate ko na agad sa sarili ko: "'Wag ka nang umasa, humanap ka ng ibang pag-aaplyan mo..."
Pessimistic optimist. Yan na nga yata ako ngayon. May bahid na ng pessimism 'yung optimism ko. Dati palaging positive ang outlook ko sa buhay, I always look at the brighter side of things. Ngayon mahina na loob ko, though merong ilang bagay na nagpapalakas pa rin sa akin. Sabi nga ng iba samantalahin ko 'tong time na to para makapagpahinga at hanapin ang sarili ko, although hindi naman talaga ako nawawala. 
Pagod na 'kong magpahinga. Pabigat na ko dito sa bahay.. Hay buhay... *sigh* 

Monday, March 2, 2009

Freedom for Sale...

Pagkatapos pa lang ng Board Exam, nagsimula na agad akong maghanap ng trabaho. Sa internet, nagtatanong-tanong sa mga kakilala, atbp. Ayaw ko kasing magpahinga, 'ika nga eh para tuloy-tuloy na. Lagi kasing bahagi ng pangaral sa 'kin ng nanay ko 'yung pinagdaanan ng kuya ko. Nag-aral siya sa P.M.I., nagtapos na isang Seaman. Marami siyang pangarap para sa aming lahat. Naalala ko pa na minsan nag-usap kami, gusto daw niya na mag-piloto ako. Siguro kung naging matagumpay siya bilang seaman eh baka natuloy 'yon. Pero hindi, iba ang nangyari, siguro hindi para sa kanya 'yon. Needless to say, nabigo ang mga magulang ko. Madalas ngang sabihin sa akin ng nanay ko: "yung kuya mo, hindi pa nasasakay ng barko sumakay sa agad doon sa hipag mo." Kaya heto ako ngayon, nakapagtapos na at lahat, kailangan kong bumawi. Maglive-up sa mga expectation ng mga tao sa paligid ko. Akala kasi ng karamihan dito, maraming pera sa kursong tinapos ko. ngayon pa na mayroong krisis pinansyal sa buong mundo. Nawawala ang lahat ng pera, sino kaya ang kumuha?
Bilang pinakabata sa limang magkakapatid, sagana ako sa pangaral at payo nilang lahat. Minsan nga alam ko na 'yung kasunod ng sasabihin nila. Mga pamangkin ko lang yata ang hindi nangangaral sa 'kin. Pero minsan sabi sa akin ng pamangkin kong babae: "Ninong, tanggapin mo na 'yung alok sa 'yo na ten thousand, para maibili mo na ako ng laptop, 'yung maliit lang!"

Nagsimula ang aking job hunting sa isang kumpanyang nagngangalang People Support. Nag-exam, ininterview at saka pinauwi. Hindi din naman naging masama ang lahat, naging maayos naman 'yung usapan namin nung hr. Ang kaso, hindi na ulit ako tinawagan. Namahalan yata sa presyo ko. Hindi nyo rin naman ako masisisi, unang job interview ko, hindi ko alam ang starting rate ng ECE, higit sa lahat, call center pala 'yung pinapasok ko. Simula nun, nangilag na ko sa mga BPO. Hindi kasi ako mahilig makipag-usap, kahit pa sabihing techical support representative ang magiging trabaho ko, baka mag-away lang kami nung caller.

Pagkatapos ng hindi masyadong magandang karansan sa People Support, patuloy pa rin ang paghanap ko ng trabaho sa internet. Sinubukan ko sa Smart, sakto na may opening para sa cadet engineer. Application was dated November 7, 2008. walang nangyari, hindi man lang napansin 'yung application ko. Sinubukan ko din sa Globe, same result. Naghulog na din ako ng resume sa P.L.D.T., problema nga lang, hindi yata nabunot sa raffle 'yung entry ko. Hirap talagang umasa sa swerte.

Sa tulong ng JobStreet, napansin ng Sun Cellular ang resumé ko. I was invited for an interview. Nakalong-sleeves pa nga ako with matching necktie and slacks para magmukhang marangal. Naging maayos naman, problema nga lang hinahanapan ako ng driver's license. Hindi daw maipprocess 'yung employment ko hangga't wala ako nun. Saka mejo mababa din 'yung alok. Mahirap ang buhay, 'pag nga naalala ko 'yun naiisip ko na dapat pala ginawan ko na ng paraan na makapasok ako dun... Too late.
Isa pang kumpanya ang napuntahan ko. ROHM Lsi. may apat na exam. Maayos naman nung una hanggang dumating ang exam na may kasamang programming. Kahit nga 'yung katabi ko na Computer Engineering ang tinapos na kurso walang sulat 'yung papel eh. Ako pa kaya na walang pakialam don. Dapat sinabi nila na ayaw nilang maghire, hindi ung pinaparamdam nila.
Minsan naman natagpuan ko ang sarili ko na palaboy-laboy sa may Ayala Avenue. Nagpunta ako sa isang kumpanya na nag-eexport ng glass products. Immediate hiring daw kasi ng GPS operator kaya sinubukan ko. Matagal akong naghintay, halos natapos na lahat ng aplikante bago ako nainterview. naawa lang sa akin 'yung HR kaya tinawag na niya ung mag-iinterview sa kin. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. matapos ang tatlong oras ng paghihintay, 4 na tanong lang ang ibinanat sa akin. Pagkatapos sinabi na maghintay daw ako ng tawag. "What da hill?!!!" Later nalaman ko na over-qualified daw ako para sa position. Ows?! Ayun talo nanaman.
Minsan nagkita-kita kami ng mga dati kong classmate na wala pa ding trabaho. Sila:
  • Jelee
  • Tricio
  • Januth
  • Allem
  • Romer
May nagsabi kasi sa amin na magwalk-in daw kami sa Smart kasi mas preferred daw doon ung walk-in! Oo, Dayrit, ikaw na naman 'yon. 
Pagdating namin sa building kung nasan ang Smart, hinarang na kami ng guwardiya sibil:
Guardia Civil: "Saan po kayo?"
Januth: "Mag-aaply po sa Smart..."
Guardia Civil: "Ay, hindi po pwede ang walk-in.."
Jelee: "Eh kasi po sabi sa amin nung classmate namin na jan nagttrabaho magwalk-in kami.."
Guardia Civil: "On-line po ang ating application (sa marahang boses). Magpunta po kayo sa www.smart.com.ph tapos doon po kayo mag-apply. 'yung e-mail po  na ipadadala sa inyo and dadalhin ninyo dito para kayo makapsok.."

Lahat: "Ay $%#@&&**!!"

Tinuruan pa kaming mag-internet nung guard.

Allem: "Nice one, Dayrit..."
Guardia Civil: "Mga Boss, 'wag po tayo diyan, daan po iyan.."

In other words, pinapalayas na kami, nakaharang nga naman kami sa pinto.
Nadali kami, nayari... Nihintay ko nga lumabas sa pinto si Dayrit at sabihing: "Nayari ko kayo!"

Para hindi masayang 'yung niluwas namin eh itinuring na lang namin na reunion ang muli naming pagsasama-sama. Nagkalat kami ng resumé sa lahat ng kumpanya na pwede. Ayon ginwa nilang scratch paper 'yung mga papel na merong mukha namin. Hindi pa kami nakuntento, nagpunta pa kami sa Globe para magbigay ng resume. At least nakapasok kami ng building. Un nga lang security personnel pa din ang kumuha ng resume namin.. Talo ulit...
Ilang linggo matapos ang aming get-together, nagkita-kita ulit kami para makipagsapalaran Si allem, januth, trisyo at ako. Sa Farmer's ang meeting palce. Puntirya namin ang accenture at iba pang kumpanya. 9am ang usapan. Heavy traffic sa EDSA (palagi nman) kaya understood na may malelate. past 9 nagkita kami ni Allem. Tapos dumating na si Janus. Wala pa si Tricio, kaya nagkwentuhan muna kami. Naubos na lahat ng topic namin wala pa din siya, lapit na maglunch wala pa din. Napunta pala siya ng Makro. naglakad pabalik at nagpaikot-ikot doon sa Gateway Mall.
Matapos mag-lunch, nagpunta na kami sa Recruitment Center na Accenture., Naghintay, nag-exam. Tapos uwian na. Hintay ulit ng tawag. Masyado na hapon para may mapuntahan pang ibang kumpanya kaya uwian na lang.

Pagkatapos ng lahat, si Allem may trabaho na ngayon. At kasalukuyan siyang nagttour-de-Pilipinas. Si Tricio at Januth naghihintay ng tawag ng Accenture para masimulan ang training nila na mejo nadelay ng kaunti. Si jelee, may hinihintay din na trabaho. Si Romer, wag na un, wala akong balita sa baklita na 'yon.

Ako? Andito pa din, naghihintay na may tumawag sa akin. Kaso ang madalas tumawag eh People Support. Excited pa naman akong sagutin lalo na kapag nakikita ko na land line 'ung number tapos un lang pala. Ipinagbibili ko na ang kalayaan ko, kapalit ang buwanang sweldo. Handa akong maging bahagi ng isang kumpanya, matali sa isang routine. Isusuko ko na ang kalayaang matulog at gumising ng kahit anong oras na gustuhin ko.
Ang nakakalungkot lang......., wala yatang gustong bumili ng kalayaan ko...

Thursday, February 26, 2009

anong nangyari?

-matagal ko nang gustong magkaron ng blog, 'di ko rin alam kung bakit. Ngaun na meron na ko, problema ko nman kung ano isusulat ko....

 Kailangan ko pa bang ilagay dito na wala akong trabaho? "Jobless ECE" na nga ang title oh.. Siguro maglalahad na lang ako ng mga pangyayari sa buhay ko nung nkalipas na taon...

APRIL 2008- Graduation...

 =>Dapat masaya 'pag graduation day 'di ba? Ako, hindi masyado. Kasi tapos na 'kong mag-aral, wala nang dahilan para humingi ng baon (xempre graduate ka na). Saka nakakatakot harapin 'yung mundo sa labas ng B.S.U. Idagdag pa dun ang realidad na mataas ang expectation sa 'kin. Sa tagal ko nga namang nag-aral, xempre "I should give something back", na un nman tlagang nsa plano ko..., 'di ko lang tlaga alam kung pa'no....

  Naaalala ko pa din ang reaction ng nanay ko nung malaman nya na hindi pa ako magttrabaho after graduation. Sabi ko kailangan ko munang magtake ng exam, pagkatapos nun ska pa lang ako magttrabaho. Eh wla kming pera kaya kailangan mangutang para may ipangreview ako. 15k ung inutang sa tita ko. 11k ang bayad sa review, ung natira pinambayd ko sa bahay. 'yung mga binabaon ko bawat linggo, hindi ko na inalam kung san galing. Nahihiya na 'kong magtanong, puro na lang ako gastos. Sabi nga ng nanay ko sa 'kin: "Kapag nakikita kita, sumasakit ang tiyan ko."

MAY 2008- Start ng Review...

 =>October ang ECE Licensure Exam, xempre paghahandaan ko un. Hindi nman ako ganun katapang para magself-review lang. Saka mejo mhina din tlaga ang foundation ko sa ilang subjects sa tinapos kong course. Wala akong sinisisi, pero kasalanan ng instructor. 'Hindi na ko maglalagay ng sama ng loob sa mga instructor ng B.S.U., masyado nang madaming naisulat tungkol dun si Ferdz.

At matuling lumipas ang mga araw. 'yung subject na 1 sem mu kinuha sa college, sa review center 1 meeting lang. 1 meeting = 4 hours. Minsan 2 hours dun kwentuhan. Aral sa review center, pagdating sa apartment aral pa din. 9 kme sa apartment. Silang mga naging inspirasyon at kadamay ko sa mga paghihirap sa review, kahit madalas natutulog lang ung iba.... 

 Sa ilang buwan ng review, hindi naman review lang ang dapat gawin, klngan din humingi ng Divine Intervention.  At para pumasa, pakiramdam ko eh napakalaking pabor ng hinihingi ko sa Kanya. Para hindi masyadong halata na may kailangan ako kay Lord eh minsan isang linggo lang muna ang ginawa naming simba (na dati ko din namang ginagawa, kaya hindi halata na may hihilingin ako). Una tuwing Miyerkules, sa Baclaran. Namiss ko 'yung unang misa na pinunthan nila, tinatamad pa kasi ako nun. Nagreview na lang ako sa apartment. Nung mga susunod na Miyerkules, sumama na ko magsimba. Natapos ang siyam na Miyerkules (Nakasiyam sila, ako hindi), lumipat naman kami ng simbahan. Sa St. Jude nman kami mangungulit tuwing Huwebes. Sabi nila, si St. Jude daw ang Patron of Hopeless and Desperate Cases. Napaisip tuloy ako kung hopeless nga ba talaga ako dito sa pinasok ko? Hindi pa kami nagkasiya sa pagsisimba tuwing Huwebes, since malapit na ang board exam, kailangan double time at effort sa pag-aaral, at pagsisimba. Pinunthan din nmin 'yung simbahan sa UST, tuwing Linggo, dun kami nangungulit.

Malapit na ang exam, napupuno na ng tension ang buong bahay, pati sa Review Center, umabot na ang tension. Alas-dos pa lamang ng madaling-araw may nakapila na para mag virtual exam. At kasama kami doon sa mga nakapila na 'yon. noong una 5.30 lang sila nagsisimulang pumila weh, hanggang dumating 'yung time na paaga na nang paaga. Makikita mu dun na hindi na sila naliligo makapila lang ng maaga. Noon ko napansin na naapakahaba na pala ng nagiging araw ko, natutulog ako ng alas-dose ng hatinggabi at ggcng ng alas-dos para makipag-unhan sa Virtual Exam na 'yon. Nung time na 'yun nagdadalawang-isip na ako sa kakayahan ko, konti pa lang ang natapos kong aklat, wala pa 'kong alam sa GEAS. Pero masyado na kong madaming naipuhunan para umatras pa. Sabi nga nung isang mentor namin sa review: "Beat the board exam with a smile.." 'Di ko lang maubos maicp kung pa'no pa 'ko ngingiti pagkatapos nun.

  Bago dumating ang kinatatakutang araw xempre kailangang humingi ng patnubay. Miyerkules nagsimba kami sa Baclaran. Huwebes may Thanksgiving mass ang PERCdc sa simbahan sa UST, Huwebes ng hapon sa UST ulit kmi nagsimba. Nang sumapit ang Biyernes nabigla ako sa nalaman ko, wla na pala akong pera, Board exam na kinabukasan. Agad akong nagtxt sa mga makakatulong sa akin, sakto nman na luluwas pala noon ang nanay ko dahil mag-aayos siya ng passport, magkasama sila ng tita ko. Pinapunta nila ako sa condo unit ng mga pinsan ko, pinakain, binigyan ng tsokolate at pera, at isinama nila 'kong magsimba sa Quiapo. Naka-apat na misa ako bago magboard-exam. Saka ko na ang naicp na naging symbolic pala para sa 'kin ung apat na misa na 'yon.

   Gabi bago magboard exam. naayos ko na lahat ng gamit ko. Maaga pa lang naghanda na kami para matulog. Bukas malalaman kung may natutunan ba talaga ako. Pero may malaking problema, hindi ako makatulog. Noong malapit na akong magapi ng antok biglang nag-alarm ang selpon ko... Umaga na pala.

October 25 & 26, 2008

  Ang mga araw na pinakahihintay. Sumaky kami ng taxi papunta sa CCP (Central Colleges of the Philippines). Kasama ko nun si Allem, Mak ska si Leomar. May radyo 'yung taxi, ang tugtog: "Himala" ng Rivermaya. Napangiti na lang ako, si Lord tlaga nagbibiro pa eh kinakabahan n nga ako.

  Natapos ang dalawang araw na exam. Linggo ng gabi, nagsimba kami sa UST. Pagkatapos ng misa napaisip ako, sapat na ba 'yung ginawa ko para makalusot ako? Sana... Hindi ko napigil, napaiyak ako. Walang dahilan, siguro natkot ako na baka bumagsak ako, halimaw kc ung GEAS n un.

  Pagdating sa apartment tinawagan ko ang aking ina. Habang kausap ko siya naramdaman kong nagkakagulo sa apartment, pero 'di muna ko nakigulo, seryoso ang pag-uusap na un.. Katabi ko si Bing, habang nakikipag-usap ako naiiyak pa din ako. Wala nman mlamang gwin si Bing na pag-alo sa akin. Ang sabi ko n lang sa nanay ko : "Nay, eh malalay, mahirap 'yung exam eh..."Mukha nmang ayos lang sa kanya, sabagay, anu ba magagawa nya eh ako ang nagsagot nung exam. dabah? Noong pumasok na kami sa loob nakita kong wala lahat ng formula sa dingding. Dumating si Ferds ksama sila Tricio, Trick, Mak at jileh. Inislam P nga daw ni jihle si Edz, sayang di ko nakita.

  Kinabukasan isa-isa na silang umuwi. Hanggang ako na lang ang maiwan. Matagal ko nang pinag-isipan un. Hindi ako uuwi hangga't wlang result ang exam.

October 29, 2008

Gabi na, inaasahan ko na ngaun na lalabas 'yung result. Nagpunta ako sa pinakamalapit na computer shop kahit alas-diyes na ng gabi, magulpi na ang magugulpi, basta kailangan makita ko ang result. Sa malas eh puno ng mga naglalaro at nakikipag-chat ung computer shop. Dinala ako ng mga paa ko sa isa pang shop, sa kahabaan pa rin ng P. Campa St. Duon ko hinintay kung ilalabas na ba 'yung result. Pasado alas-dose may nakita akong web page na result ng ECE Board Exam. Sinimulan ko ang pagtingin sa mga pangalan sa letter A. Hindi ko na pinakailaman 'yung mga topnotcher, alam ko nman na wala 'yung pangalan ko dun. May hinahanap akong pangalan, hindi ko makita. Pangalan nng girlfriend ko, Marivie V. Aquino. Nagsimula akong malungkot. May ilang pangalan akong nakita na pamilyar sa akin, kakilala, kaklase. Pero wala 'yung ilan sa mga inaasahan ko na papasa. Nagtxt sa akin si Bing, binati daw siya ng classmate nya kasi nakita sa internet na pasado siya. Hindi ko naman alam ang gagawin ko sa ilang kadahilanan:

  • wala akong load, pano ako magttxt?
  • pa'no ko sasabihin sa kanya na wala sa result 'yung pangalan niya at list lang ng examinees 'yung nakita ng classmate niya?

Salamat sa kapangyarihan ng Chikka Messenger naitawid ko ang pangangailangan. Nasabi ko din sa kanya ang balita, kahit nahirapan ako. Nasabi ko na din sa ibang classmate ko na may resulta na. ;Yung iba nga ayaw pang maniwala, tumawag pa sa iba nung itxt ko siya, ayaw pa sa 'kin (Oo Dayrit ikaw 'yon).

Hanggang sa namalayan ko na lang na pinapalayas na ako ng bantay ng shop, magsasara na daw siya.  Kaya wala akong nagawa kundi umalis. Habang naglalakad pauwi sa apartment, gusto ko sanang tumalon at sumigaw, kaso baka magulpi ako. Saka ‘di ko magawang magsaya ng lubos. Half-hearted ‘yung kasiyahan ko kumbaga. Hindi talaga Masaya ‘pag nag-iisa ka.

 Madami akong pinangakuan na sasabihin ko sa kanila na may result na pero hindi ko ngawa, akala ko madali lang magbreak ng bad news, hindi pala... Swerte ako kung tutuusin, lumusot ako, pinalad na pumasa. 'Yon pala ang dahilan kaya apat na misa ang pinunthan ko bago mag-exam. isang misa para sa isang subject.

Ngayon: February 27,  2009

 => Apat na buwan matapos ang Board Exam, nasa'n na ako? 

Ang sagot, nasa bayan na aking sinilangan, sa Hagonoy, Bulacan. Tambay.

Bakit?

Hindi ko din alam.

Hindi sa ayaw kong magtrabaho, sino ba ang ayaw kumita ng pera? Hindi ba dahil dito kaya ako nag-aral? Ang problema lang ayaw yata sa akin ng trabaho. Matagal na rin akong ganito. At the very least, as if it was to be taken as a consolation, may lisensya ako.....

 LICENSED Tambay...

 

Wednesday, February 18, 2009

PRAYER

"Whenever I am troubled and lost in deep despair,
I bundle all my troubles up and go to God in prayer;
I tell Him  I am heartsick and lost and lonely too,
And that my mind is deeply burdened and I don't know what to do;

But I know he stilled the tempest and calmed the angry sea,
And I humbly asked if in His love He'll do the same for me;
Then I'll just keep quiet and think of only thoughts of peace,
And if I abide in stillness;

my restless murmurings cease...."




Adopted
Powered By Blogger